GMA-7 binomba

DIRETSO sa selda ang lalaki na nagpasabog umano ng homemade na bomba sa harap ng annex building ng GMA-7 sa Quezon City, kaninang umaga.

Hindi kinilala ang suspek at hindi rin sinabi sa ulat kung ano ang motibo nito.

Ayon sa ulat, hindi nagawang makatakas ng suspek dahil agad nakorner ng mga sekyu ng network at mga rumespondeng pulis.

Nakumpiska mula sa suspek ang paper bag na naglalaman ng ilan pang molotov bombs.—Radyo Inquirer

Read more...