Bus vs motor; 3 patay

TATLO katao ang nasawi nang masalpok at maipit sa ilalim ng pampasaherong bus ang sinakyan nilang motorsiklo, sa Sto. Tomas, Batangas, Lunes.

Itinakbo pa sa ospital ang lalaking driver ng motor at dalawa niyang angkas na babae, ngunit di na sila umabot nang buhay, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng umaga, sa bahagi ng Maharlika Highway na sakop ng Brgy. San Jose.

Minamaneho ni Venancio Quirol ang JAC Liner bus (TYJ-135) patungong Lucena City, Quezon, nang masalpok ang kasalubong na motor, ayon sa ulat.

Read more...