Mangingisda sugatan sa ligaw na bala

SUGATAN ang isang lalaki nang tamaan ng ligaw na bala habang nangingisda sa bahagi ng dagat na sakop ng Batangas City, Martes ng umaga.

Dinala sa pagamutan si Romeo Piloña dahil sa tama ng bala sa kaliwang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Naganap ang insidente sa bahagi ng dagat na malapit sa Brgy. Wawa, dakong alas-2:30.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang lokal na pulisya para malaman kung saan galing ang bala at sinong nagpaputok ng baril.

Read more...