Magnitude 4.9 lindol sa NegOr

NIYANIG ng magnitude 4.9 lindol ang Negros Oriental Lunes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Naramdaman ang lindol alas-10:43 ng gabi. Ang epicenter nito ay 10 kilometro sa kanluran ng Tayasan at may lalim na anim na kilometro.

Nagdulot ito ng Intensity IV paggalaw sa Ayungon at Manjuyod.
Intensity III naman sa La Libertad at Tayasan. Intensity II naman sa Guihulngan City.

May naitala ring Intensity I sa Bago City, Cebu City, La Carlota City, at Sibulan.

Read more...