Korean superstar So Ji Sub magkakaroon ng fan meeting sa Manila

NAKATAKDANG simulan ng Korean superstar  na si So Ji Sub ang kanyang tour sa Asya, kung saan kasama ang Pilipinas sa kanyang bibisitahin. 

Inihayag ng agency ni Ji Sub, na 51k ang nakatakdang Asia fan meeting tour ng aktor.

“We’re happy to let you know that we’ve decided to have Asia Fan Meeting Tour,” sabi ng 51k sa post nito.

Pinamagatang ang Asia fan meeting tour ni Ji Sub na ‘Hello’.

Nakatakdang bumisita si Ji Sub sa Pilipinas sa Marso 16, 2019 (Sabado). 

Huling napanood si Ji Sub sa Terius Behind Me. Kabilang sa kanyang mga hit drama ay Oh My Venus, Master’s Sun at ang hit movies na The Battleship Island at Be With You. 

Read more...