Update: P30M reward sa killer ng solon

NAGKAKAHALAGA na ng P30 milyon ang nalikom na reward para sa agarang pagkakadakip sa pumatay kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.

Magbibigay ang Ako Bicol Partylist ng P15 milyon ayon kay Rep. Alfredo Garbin.

May dagdag namang P2 milyon si Albay Gov. Al Francis Bichara.

Ayon kay Negros Occidental Rep. Albee Benitez posibleng tumaas pa P5 milyon na nalikom mula sa mga kongresista.

“As of now 153 Congressmen/women na ang nag-ambag kaya P5 million na ang nalikom na bounty money,” ani Benitez na nanguna sa pangangalap ng pondo.

Mayroong 293 kongresista sa kasalukuyan. Ang mga nag-ambag na ay nagbigay ng minimum na P30,000.

Si Batocabe ang pangulo ng Party-list Coalition Inc., at nasa huling termino bilang kongresista. Siya ay tumatakbo sa pagka-alkalde ng Daraga, Albay sa 2019 elections.

Bumuhos ang pakikiramay sa mga naulila ni Batocabe.

Ayon sa mga Bicolano na sina House Majority Leader Rolando Andaya Jr., at Albay Rep. Edcel Lagman hindi makalilimutan ng Albay ang mga ginawa ni Batocabe.

“I share the outrage, the pain and the shock of my fellow Bicolanos over the death of my friend and colleague, Rodel Batocabe… The laws he had authored and the programs he had initiated will continue to make a difference in the lives of the people he had selflessly served long after he is gone,” ani Andaya.

Sinabi naman ni Lagman na dapat ay matigil na ang kultura ng karahasan. “Politics must not be stained by the blood of politicians and partisans. It must be confined to the confrontation of ideas and programs in the tranquil fora of mutual respect and civility. The culture of violence must be forthwith eliminated, instead of being perpetuated, condoned, and encouraged by those in power.”

Read more...