Kontrobersyal na young actor ‘nagpagamot’ sa ibang bansa

BALITANG lumipad na patungo sa bansang kinalakihan niya ang isang batang aktor na nasangkot din sa kontrobersya recently.

Ang sabi ng aming ka-Chismacker, sinuportahan ng management ang desisyon ng pamilya ng aktor na sandaling pagbakasyunin ngayong holiday season ang binata para ma-regain nito ang confidence at ma-address ang kanyang mental and emotional state via professional help.

Kung kailan pa naman may mga nakatakdang gawing projects ang bagets na isa nga sa mga gagawing bida ng network sa mga youth-oriented shows, saka pa naman ito nangyari.

But his mental and emotional well-being ang mas importante kaya’t kahit masakit daw na pansamantala itong pagbakasyunin, walang choice ang management.

Sa kanyang top rating show nga ay ginawan na lang ng paraan ng production ang kanyang biglaang “pagkawala.” Well, goodluck at sana sa kanyang pagbabalik ay isang bagong “tao” na siya!

Read more...