7 dahilan bakit dapat magpasalamat ngayong Pasko

UNANG-una, tumaas ang take-home pay ng bawat pamilyang nagtratrabaho. Mula sa da-ting 32 percent na income tax, hindi na nagbabayad ng buwis ang mga sumusweldo ng P250,000 kada taon o P25,000 bawat buwan.
Ibig sabihin, pasok ang P81,736 sa kanyang savings ngayong Pasko. Bukod diyan, wala na ring tax ang kanyang bonus na hindi lalampas ng P90,000.
Halimbawa, 13th month kasama 14th month pati bonus ng mga sumusweldo ng P25,000 bawat buwan, ito’y may kaltas na P24,000 bawat taon.
Ngayon, libre na kaya’t ang kabuuang savings niya ay P105,736. Meron nang pang-enroll sa mga bata o panghulog sa bagong bahay. Mas malaking sweldo, mas malaking bawas din sa dati’y 32 percent ang income tax, na ngayo’y 20 to 25 percent na lang sa mga empleyado.
Ibig sabihin, mas maraming pera ngayon ang mga employed fa-milies hanggang middle class kaysa sa nakaraang mga taon.
Ikalawa, tumaas ang Per Capita GDP ng bansa sa all time high na $2,891 sa 2017. Inaasahan na papalo ito sa $3,541 bago matapos ang 2018. Ang ibig sabihin nito, gumaganda na ang kita ng bawat nagtatrabaho at nagnenegosyong Pilipino. At umuunlad na rin ang Pilipinas na ngayo’y ti-nuturing nang newly industrialized economy.
Ikatlo, ang mas ma-gandang peace and order at seguridad ng mga mamamayan ngayon. Kung noong araw, nagkalat ang mga adik, maton at mga pakawala ng corrupt na pulis, mas tahimik ngayon ang bawat komunidad na ipinapakita ng 21.48 percen na pagbaba ng national crime index mula noong 2016.
Ika nga, mas mara-ming namamatay nga-yong kriminal kaysa mga inosenteng biktima. At sana, lahat ng lugar sa bansa ay meron ng CCTV para makita at mahuli ang mga criminal.
Ika-apat, gising na ang kamalayan ng taumbayan sa nakikita nilang mga pang-aabuso sa ating lipunan. Lahat ay “citizen journa-lists”, gamit ang kanilang mga cellphones u-pang i-expose sa social media ang mga kriminalidad na noon ay tanging mga “news cameras” at mainstream media lamang ang gumagawa.
Aktibo sila sa Twitter, Facebook, Instagram sa pagpuri, pagbatikos at pagbibigay babala at impormasyon sa kapwa.
Ika-lima, di hamak na mas mabuti ngayon ang “free health services” ng gobyerno. Malaking pondo ng PCSO at PAGCOR ay pumupunta ngayon sa libreng gamot (dati deretso ang pondo nila sa Malakanyang).
Halos lahat ng public hospitals ngayon ay meron nang “malasakit centers” o “one stop shop center” para bigyan ng medical attention at libreng gamot ang mga mahihirap na walang pambayad.
Ika-anim, maraming basic services ng gob-yerno ang nag-improve. Sampung taon na nga-yon ang bisa nito bukod pa sa digital na ang a-ting mga passports. Limang taon naman ang bisa ng mga driver’s license at mabilis na rin ang pag-proseso. Nalilipol nang unti-unti ang mga fixers na dati’y talamak sa LTO, LTFRB, DFA at iba pa.
At Ikapito, magpasalamat tayo dahil tayo’y buhay at nakakaganap sa mundong ito kasama ng ating mahal na pamilya at kaibigan.
Maligayang Pasko sa ating lahat!

Read more...