Sey mo Abueva: Vice Ganda pilit ang pagiging masaya, ngarag ang itsura

SAKSI kami ni papa Jobert Sucaldito sa tila malamlam at malungkot na mga mata ni Vice Ganda nang minsan naming makahuntahan sa lobby ng ABS-CBN recently.

“Heto, ngarag sa promo,” sagot sa amin ng komedyante ng kumustahin namin. At nang sumegue si papa Jobert ng, “Kumusta naman ang lovelife?” na sinagot niya ng, “Basta masaya lang.”

Hindi na kami nagtanong pa ng detalye kay Vice dahil ramdam naming sinisikap lang niya na ga-wing positive ang kanyang mood. Pero sabi nga, hindi maitatago ng mga mata ang tunay na saloobin ng isang tao lalo na kung may pinagdaraanan ito.

Granted na may ngaragan sa promo ng “Fantastica” kaya’t mukhang wasted si Vice, pero kumpara sa ningning ng mga mata niya noong kasagsagan ng panunukso sa kanila ni Calvin Abueva, ibang-iba at sobrang layo nito sa kanyang aura nang makita namin siya.

Kaya nang magpaalam siya sa amin, sabay na lang naming sinabi ni papa Jobert na “Goodluck at bantayan ang puso.” Yun na!

Read more...