SA Canada magse-celebrate ng Pasko ang mag-asawang Gelli de Belen at Ariel Rivera kasama ang kanilang mga anak na sina Joaqui, 19, at Julio, 18.
Doon nag-aaral ang dalawang bagets at pansamantalang naninirahan sa pamilya ni Ariel. Joaqui is taking up aviation habang si Julio naman ay into kinetics.
Nakachika namin si Gelli bago sila lumipad patungong Canada sa taping ng GMA Afternoon series na Ika-5 Utos, dito nga niya naikuwento ang tungkol sa mga anak. Hindi ba siya natatakot na baka maimpluwensyahan na ng western culture ang mga ito at makalimutan na ang pagiging Pinoy?
“Well, 17 and 16 na sila when they moved to Canada so hopefully, Ariel and I have already raised them well with the right Pinoy values. Thanks to technology, we always see them and communicate with them sa phone at lagi kong sinasabi, Filipino kayo.
“And also, they’re with my in laws, may titos and titas sila roon who help them in everything they need. I’m not even worried na maaga silang magka-girlfriend kasi mababait talaga sila.
“Idol nila ang tatay nila kasi mabait talaga si Ariel, and idol rin ni Ariel ang father niya na isang ulirang ama. On December 22, 21st anniversary na ng marriage namin, and I can’t complain kasi we both work to make our marriage work and last,” pahayag ni Gelli sa amin matapos kunan ang ilang eksena niya sa laging trending na Ika-5 Utos.
Nagbangko na raw sila ng ilang episodes para sa nasabing serye dahil nga sa long holiday, “Halos araw-araw ang taping namin ngayon. Kasi I will be back on January 4 pa. May time na kauuwi lang namin, ang next call time namin is 1 a.m. so we start grinding at 2 a.m.. Ganu’n kalupit ang schedules namin ngayon.”
Natanong naman si Gelli kung happy ba siya sa Ika-5 Utos bilang comeback series niya sa GMA? “Oh yes. I’m very grateful kasi masaya kami ng mga kasama ko, lalo na sina Jean Garcia at Valerie Concepcion. On screen, lagi kaming nag-aaway, but on the set, ang ganda ng bonding. I also like my role as Kelly.
“Actually, ako ‘yung comic relief dito. When they made my role more dramatic, ayaw ng tao, kaya binalik nila ko ‘yung comedy scenes at sina Jean at Valerie ang laging nagbabangayan dito.
“So abangan n’yo ang susunod na episodes dahil mas marami pang nakakaintrigang mga mangyayari sa Ika-5 Utos,” aniya pa. Isa raw sa mga hindi niya malilimutang eksena sa serye ay ang confrontation scenes nila ni Jake Vargas na gumaganap na anak niya sa kuwento.