Ilang transgender pa kaya ang makakapasok sa 2018 Miss Unverse?


HANGGANG ngayon, hindi pa maka-get over ang sankabekihan sa nakaraang Miss Universe.

Much has been said and written about it, said again and rewritten. Magde-“detour” lang kami nang konti.

Sa kauna-unahang pagkakataon, pinayagan ng pamunuan ng MU ang inclusion ng isang transgender, si Angela Ponce ng Spain. Ambivalent ang reactions ng madlang pipol, even former Misses Universe Gloria Diaz (1969) and Margie Moran (1973) share their dissenting views on this.

Kung aprub ‘yon kay Gloria, kabaligtaran naman ang pananaw ni Margie. If Gloria welcomes transgenders to the competition, lalo’t maganda naman, ibigay raw ang karapatan nito sa kanya.

Margie, on the other hand, stands her ground na dahil may sarili namang beaucon ang mga transgender ay du’n na lang sila, huwag nang makihalo sa mga kandidata born physically feminine.

Sa dalawang magkasalungat na opinyon ay ipuputong namin ang korona ng aming hands-down na pagsang-ayon kay Margie.

May mga causal effect lang na naglalaro sa aming imahinasyon pagkatapos ng pageant journey ni Miss Spain.

Baka mag-set ‘yon ng precedent. Next year might see an influx of trannies entering the pageant.

Nasimulan na kasi sa isa, puwedeng dumalawa, pumangatlo until the number of trannies expands like a balloon already hard to deflate.

Ewan ko kung wasto ang aming nais ipasabatas sa mga level pa lang ng mga pambansang pageants. Hindi sa dini-discriminate ang mga kabilang sa LGBTQ community, pero lumugar na lang.

Oo nga’t beauty ang higit na pinag-uusapan dito, oo nga’t we live in changing times, pero naniniwala kaming dapat strictly, wala sanang naliligaw na trannies in a supposed beaucon for real, biological women na isinilang taglay ang alam-na.

This piece does not intend to condescend sa mga kauri ng inyong lingkod. Bagkus, lalo pa ngang aangat ang dignidad ng sinumang beki dahil tama ang sinalihan niyang kumpetisyon minus the panlilibak at pagmemenos sa kanyang tsansa at abilidad.

q q q

Noche Buena na mamaya. Of Spanish origin din pala ang phrase na ito, salamat sa sumakop sa atin noon na kalahi ni Angela Ponce.

Ang ganitong okasyon conjures up sentimental thoughts. Pampamilya kasi ito, na kapag bakante ang isang upuan sa mesa’y hindi kumpleto o ganap ang kasiyahang dulot ng diwa ng Pasko.

Ito na ang ikalawang Noche Buena ni Mommy Guapa na hindi kapiling ang kanyang nag-iisang anak na si Isabel Granada. Oo nga pala, sa Spain din sila nagmula.

Noong manaka-naka naming nadadalaw ang aming munting bahay sa isang village sa Binangonan, Rizal ay natitiyempuhan naming umiindayog sa paglalakad si Mommy Guapa who that time was one of the officers of the homeowners’ association.

Makaraang mamaalam si Isabel, nothing was heard from Mommy Guapa. Did she fly back to Spain? Naroon pa rin kaya siya sa Binangonan?

Regardless kung saan man nananatili si Mommy Guapa ngayon, we feel for her emptiness, her longing para sa kanyang anak. Mag-isa na lang niyang sinusuong ang buhay na walang katiyakan.

A universe of uncertainty pero nasa likod ng kawalan ng kasiguruhan—sabi nga ni Catriona Gray—is a silver lining.

Maligayang Pasko po sa ating lahat!

Read more...