P170M pamasko, type mo?

HINDI tinamaan ang P165.2 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola Sabado ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office hindi natayaan ang lumabas na winning number combination na 15-23-06-52-39-29.

Posibleng umabot na sa P170 milyon ang jackpot sa bola sa Lunes—bisperas ng Pasko.

Nanalo naman ng tig-P200,000 ang pitong mananaya na nakalimang numero. Tig-P1,470 naman ang 823 mananaya na nakaapat na numero. Tig-P20 naman ang 18,880 mananaya na nakatatlong numero.

Ang mga premyo na nagkakahalaga ng P10,000 pataas ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis.

Read more...