Yang Se Jong, Woo Do Hwan magtatambal sa ‘My Country’


MAGSASAMA naman sina Yang Se Jong at Woo Do Hwan sa upcoming historical action serye na My Country. Gaganap si Se Jong bilang Seo Hwi, anak ng isang mabagsik na heneral.

Gagampanan naman ni Do Hwan ang karakter ni Nam Sun Ho, isang bastardo at aspiring military officer.

Kabilang sa mga lead K-drama na nagawa ni Se Jong ang Temperature Of Love at Still 17. Ito naman ang unang pagkakataon na lalabas si Do Hwan sa isang historical drama.

Kabilang sa mga naging Korean series ni Do Hwan ang Tempted at Mad Dog. Mapapanood ang My Country sa second half ng 2019.

Read more...