Goblin star inalok bilang lead star sa bagong K-drama


KOREAN word of the week: “Kamsahamnida” – Sa Ingles, nangangahulugan ito ng “thank you” o “salamat” sa Filipino.

q q q

Lalabas bilang lead actor ang isa sa mga main cast ng hit drama series na Goblin na si Yook Sung Jae sa

bagong romance serye na Man Who Bakes Bread.
Kinumpirma ng kampo ni Sung Jae na inalok nga sa BTOB member ang nasabing TVN upcoming drama.
Sinabi ng agency ni Sung Jae, ang Cube Entertainment, na pinag-aaralan na ng singer-actor ang bagong project.

Base ang Man Who Bakes Bread sa isang Naver webtoon. Kwento ito ni Hong Jo (Sung Jae), isang pusa na nagiging tao at nagiging may-ari ng isang pusa.

Isinulat ang Man Who Bakes Bread ni Joo Hwa Mi na siya ring writer ng Marriage, Not Dating at Introverted Boss. Ididirek ito ni Lee Jong Jae, na siyang nasa likod ng 100 Days My Prince.

Nakatakda itong ipalabas sa 2019. Kasalukuyang napapanood si Sung Jae sa Korean variety na Master In The House (All The Butlers), kasama sina Lee Seung Gi at Lee Sang Yoon.

Read more...