Chavit Singson nabili na ang franchise ng Miss Universe PH


AY, sobrang tahimik ngayon ang kampo ng Binibining Pilipinas Charities hinggil sa isyung “ibinigay” na ng Miss Universe Organization (MUO) ang franchise ng Miss Universe-Philippines sa kumpanya ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson.

Dedma as in wala silang reaksyon tungkol dito lalo pa’t nu’ng bumalik sa bansa si Catriona ay hindi naramdaman ang presence nila unlike before na sila ang punong-abala sa pag-welcome sa mga winners from international beauty pageants.

“Respect,” sey ng isang insider na nagkuwento na patuloy pa rnn daw ang pakikipag-usap ng Bb. Pilipinas Charities sa MUO. Ayaw ding magkomento ng kampo ni Manong Chavit about this kasabay ng pakiusap sa media na huwag na lang itong pag-usapan.

Pero ang balita sa amin, ang ginanap na Miss Universe sa Thailand ay ipinrodyus na ni Manong Chavit with other producers sa international scene.

In fact, this early ay pinaghahandaan na raw nila ang 2019 Miss Universe na planong gawin sa South Korea. Alam naming meron pang kontrata ang Binibini sa MUO, kaya’t maghintay na lang tayo ng official announcement dahil tiyak na isa ito sa bagong pasabog sa 2019 sa mundo ng beauty pageant.

q q q

Speaking of Ilocos, sure kaming proud na proud din si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa victory ni Catriona.

Nu’ng minsan kasi namin itong makahuntahan, umiral ang pagiging babaeng bakla nito sa usaping beauty contest at nagpahayag ito ng suporta sa ating pambato lalo pa’t fee na feel daw nito ang pagiging beki ni Cat.

“Winner ang aura. Magaling at matalinong sumagot. Kabogera,” ang deskripsyon ni Imee kay Catriona bago pa ito sumabak sa Miss Universe.

“Day, pag nanalo si Catriona, sure akong sisikat iyan nang husto,” dagdag pa nito sabay balik-tanaw sa mga cultural and heritage programs na ginawa ng kanyang ina noong araw.

At nang mapag-usapan namin ang mga isyu sa showbiz, agad nitong inusisa ang existence ng MTRCB, Cinema Evaluation Board, Film Development Council of the Philippines, kasunod ng pagbanggit sa mga isinulong nila noong araw when she was part of the numerous projects like the Manila International Film Festival, Experimental Cinema of the Philippines, at iba pa na pinondohan at ginawan nila ng batas.

Read more...