3 producer sanib-pwersa sa pelikula nina Charo at Daniel


SA Facebook Live ni Charo Santos ay natanong siya kung tuloy na ba ang pelikulang gagawin niya with Daniel Padilla. Say ni Charo, ‘yun daw ang sabi sa kanya nina Malou Santos, Direk Joyce Bernal at ng producer na si Neil Arce.

Nag-viral kasi ang picture ni Daniel with Charo and Direk Joyce after ng meeting nila last week. Mukhang tatlo ang malalaking production outfits ang magsasanib-pwersa para sa movie nina Daniel and Charo, ang Star Cinema, Spring Films at N2 Pictures.

May isa pang movie si Charo with Bea Alonzo titled “Eerie.” In-announce rin ni Charo sa social media na ipalalabas na ito on March 2019.

Samantala, magbabagong-bihis naman ang longest-running drama anthology program ni Charo na Maalaala Mo Kaya. Iha-handle na kasi ito ng business unit ni Direk Ruel S. Bayani.

But other than that, patuloy pa ring maghahatid ng magagandang episodes ang MMK gaya last kagabi kung saan itinampok ang kuwento ng isang anak na sabik sa atensyon at pagkalinga ng kanyang ina na pinagbidahan nina Boots Anson Roa at Sylvia Sanchez.

Nagkaroon ng Alzheimer’s disease ang ina ni Jona (Sylvia) na si Nita (Boots). Two weeks before Christmas ay nawala ang matanda at dito nga nagbago ang pagtingin ni Jona sa ina.

Nakasama rin sa nasabing episode sina Nonie Beuncamino, James Blanco, Alexa Ilacad, Marc Acueza, Tom Doromal, Axel Torres at Ced Torrecarrion, sa direksyon ni Nuel Naval at sa panulat ni Benson Logronio.

Read more...