Brgy. chair niratrat, patay

NASAWI ang isang barangay chairman ng Taysan, Batangas, nang pagbabarilin ng mga armado sa kanyang bahay, Sabado ng umaga.

Dead on arrival sa ospital si Eduardo Panganuban, residente’t chairman ng Brgy. Panghayaan, dahil sa mga tama ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Naganap ang insidente dakong alas-7.

Nasa garahe ng kanyang bahay si Panganuban nang dumating ang tatlong di kilalang tao at siya’y pinagbabaril, ayon sa ulat.

Itinakbo pa ang chairman sa Sto. Rosario Hospital ngunit di na umabot nang buhay.

Inaalam pa ng lokal na pulisya ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng mga salarin. 

Read more...