Tanauan City kampeon sa 2018 Philippine Junior Women’s Softball Championship

NAGDIWANG nag koponan ng Tanauan City matapos mauwi ang ikalawang sunod na kampeonato sa Cebuana Lhuillier-Philippine Junior Women’s (18 & under) Softball Championship Sabado ng hapon sa Sto. Niño Field, Marikina City.

HINDI ininda ng Tanauan City ang pagkawala ng kanilang ace pitcher matapos magkampeon sa 2018 Cebuana Lhuillier-Philippine Junior Women’s (18 & under) Softball Championship Sabado ng hapon sa Sto. Niño Field sa Marikina City.

Ginulat ng koponan mula sa Batangas ang paboritong Rizal sa championship match, 6-3, para masungkit ang ikalawang sunod na titulo na likod ng mahusay na pitching ni Royeve “Diday” Palma, kapatid ng MVP noong isang na si Royevel Palma na hindi pinayagang maglaro sa torneo matapos na mapabilang sa national team at magpamalas ng matinding paglalaro sa 2018 Senior League Softball World Series Championship sa Waco, Texas, USA kung saan nagtala siya ng 14 strikeouts para ihatid ang Tanauan sa world title.

Kinailangan namang talunin ng Tanauan ang dalawang koponan buhat sa Bulacan teams na San Miguel at Sta. Maria sa page system format final round para ilatag ang duwelo para sa korona kontra Rizal.

Nagawa namang dominahin ng Rizal ang torneong suportado ng Cebuana Lhuillier papasok sa huling round at nagtala rin sila ng 8-4 panalo sa Tanauan sa semis bago kapusin sa championship match kung saan nagpakita ng katatagan sa mound si Palma, na pinalitan si Diane Pasco bilang lead pitcher, para sa Tanauan sa kanilang huling laro.

“Maganda ‘yung pitching ni Diday at nag-click ‘yung defense namin,” sabi ni Tanauan coach Lito Villanueva, na hinatid din ang koponan sa dalawang korona sa Palarong Pambansa. “Although nakaapekto sa amin ‘yung pagkawala ni Royevel Palma, naging maganda naman ang laban.”
Nagtala ang Rizal ng ilang fielding error sa ikalawang inning para makagawa ang Tanauan ng dalawang run.

Nagdagdag pa ang Tanauan ng apat na run sa ikaapat na inning matapos na magtala ang Rizal ng tatlo pang error para ibigay sa defending champs ang 6-0 bentahe sa kanilang laban.

Nagpilit na magsagawa ng ratsada sa ikapito at huling inning ang Rizal matapos makagawa ang pitcher nitong si Alexandra Romero-Salas ng homerun para ihatid din sa home plate si Roma Jane Cruz. Sinundan pa ito ni Sathia Nicole Romero-Salas ng base hit na nag-uwi rin kay Mariel Grace Sumanting sa home plate subalit kinapos na rin ang Rizal sa laro.

Nauwi naman ng Rizal ang mga top individual award kung saan si Sumanting ang tinanghal na MVP, Best Pitcher at Best Slugger habang si Alexandra Romero-Salas ang nagwagi bilang Best Hitter.

Nahablot ni Mary Rose Letegio ng Sta. Maria ang most number of stolen bases habang si Palma ang napiling MVP ng finals series.

Read more...