Congressman, police escort patay sa pamamaril

NASAWI si AKO BICOL party-list Rep. Rodel Batocabe at kanyang police escort nang pagbabarilin sa isang gift-giving program sa Daraga, Albay, Sabado ng hapon.

Dinala si Batocabe at escort niyang si SPO1 Orlando Diaz, ng PNP Police Security and Protection Group, sa isang pagamutan sa Legazpi City, ngunit kapwa di na umabot nang buhay, sabi ni Chief Insp. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police.

Naganap ang insidente sa covered court ng Brgy. Burgos, dakong alas-3.

Dumadalo sina Batocabe at Diaz sa gift-giving program para sa mga senior citizen at may kapansanan, nang pagbabarilin, ani Calubaquib.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng mga salarin, aniya. 

Read more...