Kiray sa pag-alis ng ABS-CBN: Para kasing hindi na ako naggo-grow as an actress

KIRAY CELIS

“HINDI na ako naggo-grow as an artist. I need something more!” Ito ang inamin ng dating child star na si Kiray Celis na isa nang certified Kapuso ngayon.

Pumirma na ng network contract ang dating Kapamilya star na si Kiray at agad-agad ay binigyan na siya ng teleserye na magsisimula na sa pagpasok ng Bagong Taon.

“Sabi ko sa sarili ko, hindi na ako naggo-grow as an artist. I need something more,” pahayag ni Kiray sa panayam ng GMA. Feeling daw kasi niya ay hindi na siya naggo-grow as an an actress kaya nagdesisyon na siyang lumipat sa Kapuso Network.

“Nagge-guest lang ako kapag may pelikula akong pino-promote, and then I realized, ‘Paano pala kapag wala akong pelikula, so wala akong guesting?’

“So doon na nag-start na parang I need to step back and sa pag-step back ko na ‘yun, iba na ‘yung tatahakin kong papuntang lugar, kung saan ako dapat pumunta. And I decided na pumunta rito sa GMA.

“And sobrang nagulat naman ako kasi sobrang grabe ‘yung welcome nila and naramdaman ko agad ‘yung love and ‘yung respeto sa talento ko, ‘yung respeto nila sa akin sa pagiging artista,” chika pa ni Kiray.

Hirit pa ng dalaga, “Marami pa akong gustong gawin, kahit ano. Kahit ano gusto kong gawin pero hindi kasi ako nabibigyan ng chance para gawin ‘yun isa-isa. So ito ‘yung tamang place para gawin ko ‘yun lahat, para maipakita ko pa sa mga tao na hindi lang si Kiray ganito.

“Ganito rin siya, ganyan din siya, ito pa siya, ayan din siya. Ganun. Kasi kilala lang nila ako as comedian, kilala lang nila ako as ganito. I want something more for them and for myself.

“Gusto kong mag-grow as a person and as an artist,” aniya pa.

Read more...