Kalat na: Derek, Xian, Ser Chief sabay-sabay na lilipat sa GMA

DEREK RAMSAY, XIAN LIM AT RICHARD YAP

Maglilipatan na raw ang ilang celebrities sa GMA 7.

Among those rumored to be transferring soon are Derek Ramsay, Richard Yap and Xian Lim.

Nakalipat na si Kiray Celis. Actually, muntik pa ngang mabulilyaso dahil maaga niyang in-announce ang kanyang transfer kahit hindi pa siya nakakapirma ng kontrata sa Siyete, the number two network.

Sabi ni Kiray sa latest interview niya, she wanted to grow as an artist. Ano raw?

Magpakatotoo ka nga, Kiray. Ang sabihin mo, you wanted to earn more money kasi wala ka ng project.

Teka, si Derek Ramsay bagay naman siya bilang leading man ng ilang Kapuso stars like Jennylyn Mercado. Bagay siya sa adult drama.

Buti nga kung kukunin siya ng GMA 7 kasi salat na salat sila sa leading men. Paulit-ulit ang mga bumibida sa kanila, pati character actors ay paulit-ulit din. Kapag pinatay ang character sa isang soap, ilalagay lang pala sa another teleserye kaya parang pare-pareho ang cast members nila. In short, walang pagpipilian, ‘yun at ‘yun din ang inihahain nilang putahe.

So, inilalako na pala ng Viva Entertainment si Xian Lim sa Siyete. Naku, may katarayan ‘yang si Xian, may pagka-Snooty Serna ‘yan at masyadong feeling, eh, hindi naman kagalingang artista. Nakasama lang niya si Vilma Santos sa movie, feeling niya magaling na siyang umarte.

For Papa Richard, may ibubuga pa siya. Baka magtagumpay pa siya kung maganda ang material.

Problem is, walang Jodi Sta. Maria levels na female celebrity sa Siyete kaya baka mahirapan sila. Kung gusto nila siguro, pagsamahin sina Derek, Jennylyn ay Papa Richard, baka doon mag-click sila.

Read more...