AFTER a number of months, muling nakitang magkasama ang mag-asawang Cristine Reyes at Ali Khatibi na napabalitang naghiwalay na. Kasama nila sa litratong kumalat sa social media ang kanilang anak na si Amarah.
Posted on Amarah Khatibi’s Facebook page, mukha namang masaya ang mag-asawa sa ginanap na Christmas party ng kanilang anak.
“Thank you, Mommy and Daddy, for being with me today. I love you both. #mommyanddaddyonly #christmasparty2018,” ang caption sa photo ng mag-anak.
Napabalitang hiwalay na sina Ali at Cristine at noong October, tinanggal na ni Cristine ang Khatibi sa kanyang profile name sa Instagram.
MOST READ
LATEST STORIES