MAY bagong aabangan ang mga manonood kay Sunshine Dizon sa pagpasok ng 2019. Hindi lang siya bibida sa upcoming GMA show na Inagaw Na Bituin, kundi kakanta na rin siya.
Kuwento ni Sunshine, “Masaya po! Nakakailang taping na rin kami. Bago naman ito. Mae-excite kayo dito kasi first time kong gaganap na artista at singer. Yes, kakanta ako dito. Masusubukan ang galing kong kumanta.”
Siguradong magiging kaabang-abang ito sa viewers dahil first time ngang magpapaka-diva si Sunshine sa serye. Idagdag pa riyan angmga Kapuso teen stars na sina Kyline Alcantara at Therese Malvar ay magpapamalas din ng kanilang natatanging talento.
Sa katunayan, nag-record na ng kanta ang dalawa na gagamitin bilang isa sa theme songs ng serye.
MOST READ
LATEST STORIES