Banta ni Sue Ramirez sa nanghaharas na troll: Wag mong hintayin na labanan kita!


INIREKLAMO ng Kapamilya Star na si Sue Ramirez ang isang troll na walang tigil na nanglalait at nanghaharas sa kanya sa social media.

Nag-post ang dalaga sa kanyang Twitter account ng ilang mensahe para ipaalam sa kanyang followers ang ginagawang pambabatos sa kanya ng basher. Ipinost ni Sue sa Instagram ang screenshot ng mga malilisyosong komento ng troll.

“This account has been continuously bashing and harassing me on Instagram. To everyone who has the nerve to bash people online, always take note that there are laws against cyberbullying. Do not wait for us to fight back,” pahayag ng singer-actress.

“I have put up with it for a while, but this time, I will not keep quiet about it anymore. What do you gain from calling me names? If you do not stop this bullying, I will take action against it.

“If it is not yet in your knowledge that there are laws against cyberbullying, then I am telling you now. Stop harassing me,” dagdag pa ni Sue.

“I hope you find it in your heart to change your ugly ways and I wish that your children don’t grow up to be someone like you, who takes joy in degrading other people. If you don’t like me, then take me out of your life and stop checking/stalking my account. Thank you and may God bless you and help you. Merry Christmas po,” aniya pa.

Hindi ito ang unang pagkakataon na umalma si Sue sa ginagawang pamba-bash sa kanya sa social media.

Kung matatandaan, isang netizen ang tumawag sa kanya ng “flirt” at “malandi”. Dito, nakiusap ang dalaga sa mga trolls at bashers na tigilan na ang panghaharas sa mga celebrities na wala namang ginagawang masama.

“We could hope for the better na sana they could find the positivity inside themselves para mas may magandang sabihin or mas magandang pagtuunan ng pansin. Stay positive na lang sa mga tao na nagko-comment,” sey pa ni Sue.

Read more...