NAG-REACT si Regine Velasquez sa bullying videos of a young student.
“Oh my goodness. I think we need to teach our children how to defend themselves. I don’t believe in violence but masama ba kung ipagtangol mo ang sarili mo? Nakakagalit ito #NoToBullying,” the singer tweeted.
Many agreed with her when her tweet was posted in one Facebook fan page account.
“Daming lakas tamang mga bata ngayon! Dapat talaga pinapatikim ng sinturon ang mga ‘yan.”
“Totoo Ate. It’s infuriating lalo na this boy in the video is a teenager. He is well aware that what he is doing is wrong and yet it has been said there are other cases of bullying done by this kid na hindi naaksyonan ng school”
“Kawawa naman po tayong mga biktima ng pambubully at pambabash sa physical at sa social media.”
“Yung halos ayaw mo magalusan ang anak mo tapos bigla bigla na lang bubugbugin ng isang walang magawang kaklase. Nakakaiyak sa part ng magulang ng mga nabulling bata”
“Ang sarap sarap niya kuyugin festea!”
“Agree. Teach your kids to fight back but as a last resort. If you can run away from trouble, Run. But if running away is no longer an option, you have to stand your ground.”
Actually, maraming netizens ang na-shock nang makita ang video. They were incensed by what they saw. Who wouldn’t kung makita mo ang isang batang ginugulpi ng isang taekwondo black belter.
Talagang nakakagalit.
May panawagan ang isang official ng Ateneo na itigil na ang pagse-share ng video. Sadly, walang nakinig sa kanya dahil patuloy ang paglaganap ng video.
Nakakasuka naman ang ibang netizens na tila kampi pa sa bully. Nakakahiya sila. Sana sabihin nila ‘yan kapag anak na nila ang nagulpi ng bully. Ang hirap kasi sa ilang netizens ay mga idiot sila. Kitang-kita na ang pananakit pero kinakampihan pa nila. Dapat ay sila ang bugbugin, ‘no!
Actually, kawawa ang batang binugbog nang walang kalaban-laban. Kitang-kita na maganda ang pagpapalaki sa kanya ng kanyang ina. Ni hindi siya lumaban man lang.
Pero kung kami ang ina ng bata, bubugbugin namin ang bully. He has to be taught his lesson. Naniniwala kami sa Golden Rule. Kung ano ang ginawa mo sa anak ko ay iyon din ang gagawin ko sa iyo para quits.
Ang hirap kasi sa mga magulang ngayon, hindi na nila itinuturo ang Golden rule sa kanilang anak.