Mr. Official ayaw magbakasyon kahit sasabak sa kampanya | Bandera

Mr. Official ayaw magbakasyon kahit sasabak sa kampanya

Bella Cariaso - December 23, 2018 - 12:15 AM

DA who ang isang mataas na opisyal ng gobyerno na dikit ng dikit sa isang kumakandidatong senador at pumuporma na bilang campaign manager nito.
Usap-usapan si Mr. Official na noon pa ay laging nakabuntot sa isang kilalang personalidad at nagpapalakas
dito.
May utos pa ang opisyal sa kanyang mga nasasakupan na laging gawing prayoridad si senatoriable.
Dahil sa kanyang utos, kadalasan kapag nagsabay ang totoong Boss niya at ang senatoriable, dedma muna sa kanyang pinaglilingkuran at prayoridad niya ang senatoriable.
Nagbunga naman ang pagiging buntot ni Mr. Official dahil balitang siya ang magiging campaign manager ni senatoriable.
Sa kabila naman ng nakatakdang pagiging busy niya bilang campaign manager ni senatoriable, wala namang balak na umalis si Mr Official sa kanyang katungkulan.
Nang tanungin kasi kung balak niyang magbakasyon muna habang nangangampanya, dedma lang si Mr. Official.
Segurista si Mr. Official, bagamat nakuha na ang pagiging campaign manager, mas gusto niya ng double tasking.
Lugi nga lang ang tanggapan na pinaglilingkuran niya, bukod sa bawal sa gobyerno ang double compensation.
Gusto nyo ba ng clue? Kilalang pinakamaimpluwensiya ang dinidikitan ni Mr. Official.
Samantala, dati nang napabalitang papalitan na si Mr. Official, bagamat nakapuwesto pa rin.
Malakas kasi ang kapit ni Mr. Official dahil nga dikit siya sa senatoriable.
Isa pang clue, tadtad ng kontrobersiya ang tanggapang pinamumunuan ni Mr. Official.
Nanahimik ng bahagya ang kanyang pinamumunuang ahensiya nang mawala ang isa pang kontrobersiyal din na opisyal.
Alam kong gets nyo na ang tinutukoy ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending