Ethel Booba took a swipe at the worsening traffic situation in the country.
Palibhasa Christmas season na, kaliwa’t kanan ang namimili, entonces, ang daming tao sa daan. With that, ang dami ring sasakyan sa mga kalye kaya nagkakabuhol-buhol ang traffic.
“Kaliwa’t kanan na ang Christmas party kaya asahan nyo na ang heavy traffic. Mas maaga umalis sa sa bahay kung may mga lakad or pasok sa trabaho. Kung bukas ang pasok n’yo ngayon pa lang umalis na kayo. Charot!” tweet ni Ethel na sinang-ayunan naman ng kanyang followers.
“True. Kawawa talaga pag nag commute these days. Working in a supermarket. Toxic season for me. Pagoda ang lolah to the max pero kakayanin para sa ekonomiya.”
“Wag nang umuwi ng bahay para hindi ma late at ma traffic!”
“Yung iba naman bibili lang ng sando sa mall buong pamilya pa kasama tpos nakakotse pa kaya nagtatraffic.”
“Tama! Lalo na sa EDSA.”
It’s kinda baffling to us kung bakit hindi naso-solve ang traffic problem sa bansa. Ang dami nang ipinanukalang batas sa EDSA, ang dami nang revisions sa motoring styles pero wala pa rin. I wouldn’t like to think that people in government are inutile in solving this perennial problem.