Female celeb makasarili, pati mga kaibigan gustong angkinin

KUNG paniniwalaan natin ang mga kuwento tungkol sa sobrang pagiging selosa ng isang pamosong female personality ay tunay naman palang grabe ang kanyang pagiging possessive.

At hindi lang sa kanyang karelasyon pinaiiral ng babaeng personalidad ang pagiging selosa kundi pati sa kanyang mga kaibigan. Sobra siyang selosa.

Buwena-manong kuwento ng chikadora naming source, “Iba ang panuntunan niya sa buhay. Ang kahit sinong mapalapit sa kanya, e, parang property na niya, wala nang sariling buhay.

“Kunwari, magkaibigan kayo, ayaw na ayaw niyang nalalaman na may iba ka pang kaibigan. Kailangang siya lang, sa kanya lang dapat umiikot ang mundo mo.

“Kapag nalaman niyang may ibang friend na ang friend niya, mararamdaman na ng taong ‘yun ang sobrang panglalamig niya.

“Hindi na siya pinapansin, hindi na siya kinakausap, ayaw nang makita, ganu’n siya katindi! Kaya nga kung napapansin n’yo, e, piling-pili lang ang mga nagiging kaibigan niya, walang nagtatagal, dahil sa kakitiran ng utak niya!

“Alangan namang porke magkaibigan kayo ng female personality na ‘yun, e, hindi ka na puwedeng makipag-close sa ibang tao? Ano ‘yun? Pag-aari ka ba niya para sakalin, para hawakan ka na niya sa leeg?” simulang kuwento ng aming impormante.

Matindi nga ang insecurity ng maganda pa namang aktres, mabilis siyang dapuan ng kawalan ng tiwala sa kanyang sarili, kaya nagiging palaaway siya.

“Kita n’yo naman, kahit sa karelasyon niya, e, super-possessive siya, di ba? May makipag-usap lang sa lalaki, umaariba na agad ang pagiging selosa niya. Nakakaloka siya, samantalang wala ka na namang hahanapin pa sa ganda niya.

“Nasa kanya na ang lahat ng pisikal na katangian, e, nagseselos pa rin siya? Walang-wala ang ibang babaeng pinagseselosan niya sa sobrang ganda niya, pero talagang wala siyang katiwa-tiwala sa sarili niya.

“Kapag ganyan siya nang ganyan, baka isang araw, e, magulantang na lang siya dahil humanap na pala ng iba ang lalaking pinakamamahal niya. Aaaaawwww!!!!” pagtatapos ng aming source.

Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kailangan pa ba n’yo ng clue, para hindi kayo maupo sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan?

Read more...