Vice parang ‘tissue paper’ na basta na lang itinapon ni Abueva sa basurahan

VICE GANDA AT CALVIN ABUEVA

Ayan na, dumating na ang senaryong ayaw makita ng basketbolistang si Calvin Abueva, ang matinding galit sa kanya ng mga tunay na nagmamahal kay Vice Ganda.

Kung nu’ng una ay panay papuri ang tinatanggap ni Calvin dahil sa paninindigan nito sa pagiging super-close nila ng sikat na komedyante, ngayon ay kabaligtaran na nu’n ang nararanasan ng dribolero, negang-nega na ang kanyang imahe.

Sinusumbatan ito ng mga nagmamalasakit kay Vice, parang pinadama lang daw ni Abueva ang kanilang idolo, pero nang makuha na nito ang loob ni Vice ay iiwan lang pala sa gitna ng laban.

Nag-ugat ang issue sa lantarang pagpo-post ni Abueva na ang asawa ay asawa at ang kaibigan ay kaibigan lang. Iba raw siyempre ang asawa.

Galit na buwelta kay Calvin ng isang nagmamahal kay Vice Ganda, “Okey ka rin naman, e! Nu’ng magulo ang takbo ng personal life mo, nu’ng palayasin ka ng misis mo, kanino ka ba nakababad?

“Sino ba ang palagi mong tinatakbuhan, sino ba ang inaabala mo para samahan ka lang sa kalungkutan mo? Pero ngayong nagkabalikan na kayo, wala na, parang tissue paper na lang na itinapon mo sa basurahan si Vice!

“Okey ka rin naman, magaling ka talagang mag-dribble,” panunumbat nito sa basketbolistang napamahal na sa sikat na komedyante-TV host.

Read more...