Catriona Gray ibinandera ang mga natutunan sa magulang

CATRIONA GRAY

“She’s in it, to win it!” ‘Yan ang pinatunayan ni Miss Philippines Catriona Gray matapos manalong Miss Universe sa Bangkok, Thailand at maging pang-apat na Pinay Miss U.

Isang araw matapos ang koronasyon, agad na lumipad si Jessica Soho sa Thailand kung saan damang dama pa rin ang Miss Universe fever.

Dito nakapanayam niya ang ina ni Catriona na si Normita Gray at kasintahang si Clint Bondad.

Inalam din ng KMJS ang sikreto ng Glam Team na binubuo ng malalapit na kaibigan ni Catriona, na nagtulong-tulong para maibalik sa bansa ang Miss Universe crown.

At nitong Miyerkules, kasabay si Jessica ni Catriona sa sinakyan nitong private plane mula Thailand pauwi sa Pilipinas. Pagdating sa ating bansa, homecoming para sa isang reyna ang sumalubong kay Catriona.

Huwag palalampasin ang komprehensibo at kabuuang ulat sa pagkapanalo ni Catriona Gray sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo sa GMA 7.

Sa kanyang Instagram account, binigyan din ni Catriona ng tribute ang kanyang parents na sina Normita at Ian Gray.

Aniya, “The two reasons that I am who I am today. My mum and dad have believed in me and my potential since I was a little girl.

“My daddy taught me to be tough, gutsy and give power to my words. My mum taught me to always trust my intuition and hold a fiery soul in a soft heart. Thank you for continuously guiding me. I love you both beyond words,” aniya pa.

Read more...