Alden bumalik sa pagkabata habang nagpapakaligaya sa Japan

ALDEN RICHARDS

Pinusuan at humamig ng libu-libong likes at comments ang mga litratong ipinost ni Alden Richards sa kanyang social media account.

Kuha ang mga nasabing photo sa magagandang tourist spots na pinuntahan nila sa Japan.

Doon magse-celebrate ng holiday season ang Pambansang Bae kasama ang kanyang pamilya. Inamin ni Alden na nitong mga nakaraang buwan ay masyado siyang naging busy kaya bihira silang makapag-bonding ng kanyang family.

Kaya nangako ang Kapuso heartthrob na babawi siya sa pamilya at sa Japan nga nila napiling magbakasyon.

Sa isang Instagram photo, makikita si Alden at si Daddy Bae na magkasama at nagto-toast, nilagyan ito ng aktor ng caption na, “I love you, di lang halata hahaha.”

Sa isa namang litrato, kitang-kita ang kasiyahan ni Alden na tila nagbalik sa pagkabata habang sakay ng snow mobile.

Sa pagkakaalam namin, uuwi rin sa bansa sina Alden para salubungin ang Bagong Taon.

Read more...