Trak vs trike; 1 patay, baby, 5 pa sugatan

PATAY ang isang lalaki habang anim pa katao, kabilang ang isang sanggol, ang nasugatan nang salpukin ng trak ang sinakyan nilang tricycle, sa Sipalay City, Negros Occidental, Huwebes.

Dead on the spot ang driver ng tricycle na si Rodney Jeres dahil sa matinding pinsalang tinamo, ayon sa ulat ng Western Visayas regional police.

Isinugod naman sa pinakamalapit na pagamutan ang anim niyang pasahero, na kinabibilangan ng tatlong menor de edad at isang sanggol.

Naganap ang insidente dakong ala-1 ng hapon, sa Sitio Marabo, Brgy. Mambaroto.

Iniimbestigahan ngayon ang driver ng Canter truck na si Angelo Aplacador, 27.

Read more...