Pasok sa gov’t offices sinuspinde na rin sa Dec. 26

SINUSPINDE na rin ng Palasyo ang pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa Disyembre 26, 2018 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapaskuhan.

“In order to give the employees of the government full opporunity to celebrate the holidays with their families and loves, work in government offices throughout the country, including government-owned or-controlled corporations, government financial institutions, state universities and colleges, local government units, and other agencies and instrumentalities, is also suspended on 26 December 2018,” sabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Nauna nang ipinalabas ni Medialdea ang Memorandum Circular 54 kung saan idineklarang walang pasok sa Enero 2, 2019.

Read more...