VIRAL: Babae naghanda ng bonggang proposal sa boyfriend

Natuwa ang netizens sa isang viral video kamakailan lang nang patunayan ng isang babae ang pagmamahal nito sa kanyang boyfriend sa pamamagitan ng pagyaya nito na sila’y magpakasal.

Mapapanood sa video na in-upload ni Paulzkie Dumlao ang lalaking naglalakad  na sinasalubong ng mga kaibigan na naghihiyawan. Ilang babae naman ang makikita na nagaabot ng napakaraming flowers. Tumutugtog naman sa background ang Beautiful in White ng Westlife.

Sa dulo, dumating ang girlfriend ng lalake na niyakap nito. Pinalingon naman niya ang boyfriend at mababasa ang salita na “Will U Marry Me?”.

Dito na naglabas ng singsing ang babae at lumuhod. Siyempre oo ang sagot ng kanyang boyfriend.

Umabot na sa 48,000 reacts at 59,00 shares  ang naturang video.

READ MORE:

Tony Labrusca walang planong ireklamo ang nanapak na guard: Don’t worry, I’m totally ok!

Nag-viral na FJ Cruiser narekober na ng pulisya

Catriona: Magpatawad at magbigayan ngayong Pasko

Read more...