Lolo pinatay, ninakawan

NASAWI ang 67-anyos na lalaki nang barilin at pagnakawan pa ng mga armado, sa kanyang bahay sa liblib na bahagi ng Pagbilao, Quezon, Miyerkules ng hapon.

Nakilala ang biktima bilang si Simplicio Salvanera, residente ng bulubunduking bahagi ng Sitio Kuramot, Brgy. Ilayang Palsabangon, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

Naganap ang insidente dakong alas-4, ngunit dahil sa layo ng pinangyariha’y gabi na naiulat sa lokal na pulisya.

Lumabas sa imbestigasyon na pinasok ng apat na kalalakihang may maiigsing baril ang bahay ni Salvanera, at biglang binaril ang matanda.

Kasunod noo’y kinuha nila sa bahay ang P5,000 cash at dalawang cellphone, ayon sa pulisya.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng mga salarin.

Read more...