Abueva kinuyog ng fans ni Vice: Manloloko, paasa!

Sunud-sunod ang mga negatibo at maaanghang na komento ang ipinakain ng mga fans ni Vice Ganda sa rumored boyfriend nitong PBA player na si Calvin Abueva.

Ito’y matapos mag-post ang sikat na cager sa kanyang Instagram ng litrato ng isang Salome Alejandra na pinaniniwalang asawa ni Abueva. May caption itong, “August 08, 2010.”

Dahil dito, na-bash nang bonggang-bongga ang PBA player, galit na galit sa kanya ang mga netizens, lalo na ang mga tagasuporta ni Vice. Naniniwala sila na malalim ang ibig sabihin nito sa relasyon nila ng Unkabogable Star.

Kung anu-anong masasakit na salita ang ibinato nila kay Calvin, tinawag siyang “manloloko”, “paasa”, “pa-fall” at “mangga” (manggagamit).

Sabi ni @aglaecaaa, “Grabe kaaaaaaaa!!!! Tao ka rin at alam mo syempreng umaasa sayo si Meme Vice. Pero nandyan na yan, andito kami. Pero nakakaimbyerna pa rin!!!! Hays!!!!”

Sey naan ni @hiitshyle_, “Sos, kala mo naman ang gwapo mo. Kaya ka siguro iniwan ng asawa mo kasi manloloko ka.”

Hirit naman ni @tambunamaryann, “Juskoo kawawa si Meme. Sana kasi tinototoo nio na lang iyan. Nagpakita ba naman ng motibo juskoo mukang rebound lang ginawa mo kay meme. jusko Calvin umaasa kami forever CalVice na talaga. Parepareho kayo manggagamit.”

Salome Alejandra

Sinagot naman ni Calvin ang mga fans ng TV host-comedian, “Alam nyo si Vice totoong kaibigan, ang asawa asawa talaga wala ako pakealam kung bash nyo ako oh support kayo kame ni Vice true friend ang turing ko sa kanya hindi na sya iba sakin.”

Read more...