Nilagyan ng X: Pilipinas binastos ng isang tabloid sa Australia
LUMIKHA ng malaking ingay ang isang tabloid sa Australia matapos nitong ekisan ang picture ni Miss Universe Catriona Gray.
Nasa front page ang picture ni Catriona matapos siyang tanghaling 2018 Miss Universe pero bukod sa inekisan na ang Philippines ay pinalitan pa ito ng Queensland.
Siyempre pa, ballistic ang reaction ng Pinoy netizens. Binarag-barag nila ang tabloid at lait ang inabot nito sa social media.
“FYI lang walang dugong Australian si queen cat! Duon lang sya pinanganak! Sa Australia! Taga Scotland ang daddy nya! In short half Scottish & half Filipino si queen cat! Sana malaman ng mga Australian yan!”
“An australian girl won Miss Universe but she didnt represent Miss Australia? SAKLAUG. Bakit hindi nila ibandera yung mean girl representative nila? Kung si Pia Wurtzbach nga hindi inangkin ng Germany nung nanalo eh.”
“Malinaw naman sa sash nya eh Philippines ang nakalagay so sino nirerepresent nyang lugar? Asar talo lang yan. Hayaan nyo sila ang maasar hwag kayo. Smile na lang.”
“Para na rin nilang binastos ang Pilipinas! Wag ganun. Yung kandidata nyo ang pakialaman nyo. Mga baklang twooooo!”
Oo nga naman. Nagmukhang tanga ang tabloid headline na ‘yon. Imagine, pikon na pikon sila sa pagkapanalo ni Catriona at hindi nila tanggap ang Miss Universe crown nito.
Lalo pa silang nagmukhang katawa-tawa dahil nakasulat sa sash ni Catriona ang Philippines. Ang naging dating tuloy ay inaangkin nila si Catriona.
So what happens to your official Miss U candidate? Ibig bang sabihin ay dalawa ang candidate ninyo sa Miss U? just asking.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.