Aktres hinahanting ng mga beki dahil sa dyutay na sandata ni male celebrity


HINDI raw totoo ang tsismis, sigaw ng mga becking magkakaumpukan isang gabi sa isang Christmas party, ang kanilang tinutukoy ay ang rebelasyon kailan lang tungkol sa isang singer-actor na may pinagpipistahang iskandalo ngayon.

Matagal na kasing kumakalat ang kuwento na isa sa mga pinagpala ang singer-actor, matikas kuno ang kanyang sandata, kaya maraming kababaihan ang nahuhumaling sa kanya.

Maraming kuwento tungkol sa kanyang nakaraan, lalo na ang lihim niyang pakikipagrelasyon sa isang magaling na singer-actress, ganu’n din ang istorya. Napaka-blessed daw kasi ng singer-actor.

Kuwento ng aming source, “So, nagpalipat-lipat nga ang kuwentong soooo blessed siya. Napakasuwerte raw naman ng wife niya, ganu’n ang kuwento!

“May isang female personality kasi na nakasiping nang magdamag ng male personality. E, napakadaldal ng babaeng ‘yun! Ipinamalita niya sa mga becki na matibay kuno ang sandata ng guy!

“Naniwala naman ang mga becki, ipinagkalat nila ang kuwento ng madaldal na female personality, laging nagiging topic ‘yun sa kuwentuhan ng sangkabaklaan,” simulang chika ng aming impormante.

Ngayon ay pinaghahanap na ng kanyang mga kaibigang becki ang madaldal at hitad na babae, gusto nilang sabunutan ito, dahil sa maling kuwento.

Balik-kuwento ng aming source, “Fake news pala ang ikinalat ng hitad na babaeng ‘yun! Pinaniwala niya ang mga bakla na very blessed ang male personality, pero hindi naman pala!

“Luka-lukang ‘yun! Kung para sa kanya, e, big na ang nakachurvahan niya, ano ang small para sa kanya? Nakakaloka siya! Sukat bang ipamalita niya na napaka-blessed ng singer-actor, e, wiz naman pala!

“Ang dapat pala niyang kinakanta-kanta, e, Hahanapin Ko, kasi nga, dahil sa kabalbalang ginawa niya, e, nalantad ang katotohanan na taga-Duty Free pala ang mokong na ‘yun!

“Hinahanap na ngayon ng mga becki ang daldakinang komedyanang ‘yun na nagpalutang ng fake news! Sasabunutan talaga siya nang wagas na wagas ng mga becki!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, siguradong wala kayong upuan ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan, pramis!

Read more...