2 dating Pinay beauty queen binara ng fans ni Catriona


PLASTIC  ang naging dating ng pagbati ng beauty queens na sina Maggie Wilson at Bea Rose Santiago sa pagkapanalo ni Catriona Gray bilang Miss Universe.

In a not so recent past kasi ay pinatutsadahan ng dalawa si Catriona for bagging the best in swimsuit award.

“Huh, best in swimsuit? Paano? I mean, pretty face but definitely not the best body out there,” said Maggie.

“It should not be all about the face. 14 should win best in swimsuit!!!! Jeez her bodyyyyyyy she worked out!!! #bbpilipinas2018 #swimsuit,” say naman ni Bea Rose.

Nagpaliwanag si Maggie na nag-sorry na siya kay Catriona but still, lait ang iginanti ng fans ni Catriona. Siyempre ganoon din ang aria nila against Bea.

“Yan nga eh, matagal ng patay yang issue, sila sila rin naman ni Bea ang bumuhay sa issue by talking about it in their socmed accounts. Ayaw tumigil just because nanalo si Catriona.”

“So asan ang resibo. Nung magkukuda sila nasa socmed, dapat nag apologize siya the day after sa socmed din so that everyone could see. So ngayon nag apologize publicly dahil nanalo na si Catriona.”

“So bakit hindi sila publicly nag apologize last March, kasi hiniya nila yang Catriona publicly. Napaka late naman ng apology nila ngayon lang.”

Read more...