Rochelle P. na-shock sa pa-surprise ni Ate Guy | Bandera

Rochelle P. na-shock sa pa-surprise ni Ate Guy

|December 20,2018
facebook
share this

Rochelle P. na-shock sa pa-surprise ni Ate Guy

- December 20, 2018 - 12:40 AM


ISA lamang ang soon-to-be mom na si Rochelle Pangilinan sa mga artistang nagpatunay sa angking kabaitan at pagiging generous ng Superstar na si Nora Aunor.

Magkasama ang dalawa sa well-loved primetime series ng GMA na Onanay at talagang very proud at happy si Rochelle dahil natupad ang kanyang pangarap na makatrabaho si Ate Guy. Ilang buwan na rin silang magkakasama sa taping at naging close na sila sa isa’t isa kasama ang iba pang cast ng serye.

Mas lalong hinangaan ni Rochelle ang Superstar dahil sinorpresa siya nito ng mga regalo para sa kanyang magiging baby girl. Kwento ni Rochelle sa Instagram, ginulat siya ni Ate Guy sa mga bigay nitong mga regalo.

“Yung lagi ko syang makaeksena ay sapat ng regalo sa kin ngayong Pasko, pero ginulat nya ko sa pa-surprise nyang gifts sa kin, biniro ko pa syang ‘binigyan mo naman ako ng surprise baby shower’ sabay tawa namin. Pero nung pauwi na ko ng bahay, ang naisip ko lang ay yung naisip nya kong pagkaabalahan o pag isipan pa, pwede namang simple na Christmas gifts lang like pagkain o gamit ng babae etc.

“Pero naisip nya kami ng baby ko…pinag isipan nya talaga! Yung pagkaabalahan ka ng nag iisang Superstar simula ng bata pa ko at binigyan ako ng halaga. Ang saya saya talaga!”

Kaya hindi na nagtataka si Rochelle kung bakit marami ang nagmamahal kay Ate Guy mula noon hanggang ngayon. Nangako rin siya na ibabahagi sa kanyang magiging anak at apo in ang kabutihan ng Superstar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending