‘Dapat gawing tema sa susunod na filmfest ang mga magnanakaw at baboy na politiko!’


IN FIVE days ay opisyal nang magsisimula ang 2018 Metro Manila Film Festval, araw mismo ng Kapaskuhan.

Suddenly, we took time to pause and reflect the MMFF’s humble beginnings. Matagal na panahon pa kasi ang binilang bago kami napadpad sa showbiz.

Time was when—panahon ito ng mga Marcos—the MMFF entries carried a mandatory theme. Uso noon ang mga pelikulang nagsusulong ng kahalagahan ng family planning at birth control.

In fairness, the MMFF movies then weren’t the hardsell-type. Nakahabi or woven na into the narrative fiber ang tema.

Years later, pangkalikasan naman or environmental protection ang peg ng mga entries. Aral na dapat nating matutunan ang hatid mula sa walang habas at patuloy nating paglapastangan kay Mother Nature nakaangkla ang mga pelikula.

Pero saan ka, sa totoong buhay, kahit pala idaan mo ang mga mensaheng ito sa pamamagitan ng motion pictures ay hindi garantiya na hindi lolobo ang populasyon (ilang milyon na ba ang mga Pilipino sa pinakahuling datos?).

Neither were those eco-friendly films a guarantee na goodbye na tayo sa kabalahuraang dulot ng ating irresponsible waste management na nagdudulot ng pagbaha at kung anu-anong pang kamiserablehan sa buhay.

Sa halip kasi na magsilbing catalyst ang mga MMFF movies na ‘yon, pinanood at tinangkilik lang natin sila. Their intrinsic message went unnoticed, much less was treated with I-couldn’t-care-less attitude.

Ilang taon na in recent memory na binaklas na ang tema-temang ‘yan. Puwede pa nga sigurong ipagpasalamat ang surge of the so-called indie films na sa totoo lang ay mas may kawawaan kesa sa mga pelikulang prodyus nga ng malalaking production outfit, pero kumustahin mo naman ang kalidad…hello!

q q q

Kung nakuha ng mga tao noon lalo na ang gobyerno ni Marcos na magmatyag sa mga pangunahing sakit ng lipunan hoping to address this in the form of movies—for once and for a change—bakit hindi natin gawing tema ang tungkol sa nagnanaknak na karamdaman ng ating bayan which is laganap na korupsiyon?

Matindi pa kasi kesa sa terminal cancer ang sakit na ‘yon na ang mga mismong pasimuno at nagkakalat para makapanghawa are the very public servants na pinagkatiwalaan natin ng ating sagradong boto. And what’s next?

Katulad din pala ang mga hinayupak na pulitikong ‘yon sa kailangang kontrolin ang pagdami ng binhi.

Kawangis din nila ang mga salaulang nagtatapon ng basura kung kaya’t nabababoy ang kalikasan nang bonggang-bongga.

This columnist has yet to see the day when themes are back in place, ‘yung tungkol naman sa mga katiwalian, pagnanakaw, pandarambong, pangungulimbat at kakapalan ng mukha ng mga pulitikong nagpapanggap na kunwari’y may malasakit sa bayan.

At best, gawin nang true-to-life o halaw sa tunay na buhay ang film version ng kanilang nakakasulasok na pamumuhay at the expense of the poor habang nagpapasasa sila sa kanilang mga naharbat.

That way, baka posibleng makunsensiya pa ang mga ito. In the final analysis, ang layunin naman ng MMFF kung saka-sakali ay pagkunan ‘yon ng isang napakahalagang leksiyon.

It’s art imitating life, that’s how it should be naman, ‘di ba?

Batu-bato sa langit. Ay, yes, may pamagat nga pala noong “Batu-bato Sa Langit” na festival entry nina Nora Aunor at Christopher de Leon. Late seventies ‘yon, kung hindi kami nagkakamali.

Read more...