Horoscope, December 19, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Kung naisasakatuparan mo lang ang mga inisip mo, mayaman ka sana ngayon! Magagawa mo pa naman kung kikilos ka na ngayon. Sa pag-ibig at pagkakaperahan, may sopressang masarap na romansa ang panahong ito ng kapaskuhan. Mapalad ang 1, 7, 19, 22, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vedanta-Om.” Beige at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Makakamit ang maturity kung tanggapin ito nang maluwag sa loob: “Ang lahat ng bagay ay lumilipas at nawawala rin.” Liligaya sa pag-ibig, kung sinuman ang nandiyan na ngayon ay siya na lang muna ang pagtiyagaan. Mapalad ang 1, 11, 19, 25, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Dosya-Om.” Green at yellow ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Mas marami kang kikitain kung mabubuhay ka sa sarili mong pagpapasya. Sa pag-ibig, wag silang intindihin, tama ang nasa isip mo, “kanya-kanya ng panlasa ‘yan, walang basagan ng trip!” Mapalad ang 7, 19, 25, 36, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Trium-Savitra-Om” Maroon at white ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Samantalahin ang papalapit na Bagong Taon. Kalakal na bilog na prutas at tumutunog ang dapat ibenta. Sa produktong nabanggit ay malaking halaga ng salapi ang tatabuin. Sa pag-ibig, kung pagyaman at maraming salapi ang hanap, piliin ang isang Sagittarius. Mapalad ang 4, 17, 26, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Namah-Mitra-Om.” Green at brown ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Panahon na upang magpakatuso at nang mas madali kang yumaman. Sa pag-ibig, wag magpaimpluwensiya sa maluhong pamumuhay ng kasuyo. Ngayon pa lang paghandaan n’yo na ang matipid na pagdaraos ng Kapaskuhan at Bagong Taon. Mapalad ang 1, 9, 28, 37, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Purple at magenta ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Wag manghinayang sa mga bagay na wala sa iyo, ikalulungkot mo lang ‘yan! Pahalagahan at pagsikapang palaguin ang mga bagay na hawak mo sa kasalukuyan. Sa ganyang paraan, mapapayapa ang isipan at mas mabilis kang yayaman. Mapalad ang 4, 14, 23, 32, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Agla-Om.” Orange at white ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Isagawa at bigyang aksyon ang anumang iniisip, sa ganyang paraan hindi ka mapagbibintangang puro ka lang kuwento at puro ka lang drawing. Sa pag-ibig at pinansyal, laging maging praktikal upang lumigaya ang buhay. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Silver at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Hindi dapat na maging magastos. Sa pinansyal, isa lang naman ang susi upang yumaman, maging masinop sa buhay at matipid sa salapi. Wag sumabay sa maluhong paggasta ngayong Kapaskuhan. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Nahatha-Om.” Green at gold ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Iwasang mag-init ang ulo upang patuloy na dumating ang suwerte. Sa negosyo, kung magiging mahinahon, mas malaking kita ang makakamit. Sa pag-ibig, hinahon din ang susi upang mapakitunguhan ng maayos ang topaking kasuyo. Mapalad ang 3, 9, 17, 27, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Red at green ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Produktong may kaugnayan sa pagkain ang simulan. Puto’t-bibingka at iba pang pagkain pampasaya ngayong Simbang Gabi ang dapat. Sa pag-ibig, kakaibang romansa ang ipalasap sa kasuyo upang hindi na siya maghanap pa ng iba. Mapalad ang 3, 12, 21, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Lilac at pink ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Pagbutihin pang lalo ang anumang ginagawa. Ang salapi at maligayang pag-ibig ay kusang dumarating sa takdang panahon kung lagi kang naka-red. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum Arhate-Om-Padme-Om.” Bukod sa red ang blue ay buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag gawing kumplikado ang mga pangyayari, manatili sa iisa at dati nang minamahal. Sa pinansyal, sundin ang advice ng isang kaibigang Sagittarius gawing simple lang ang buhay pero rock! Mapalad ang 9, 12, 27, 39, 42, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna-Hare.” Purple at magenta ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Simulan mo nang gumising ng maaga upang marami kang magawa na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, mag-Simbang Gabi kayo ng iyong kasuyo upang lalong sumarap at lumawig ang pagmamahalan. Mapalad 6, 16, 24, 33, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jhana-Om-Nama.” Gray at pink ang buenas.

Read more...