Beach resort ni Pacman sa Sarangani sinugod ng 4,000 residente


BILANG bahagi ng kanyang 40th birthday celebration, namigay ng bags of groceries si Sen. Manny Pacquiao sa humigit-kumulang 4,000 residente ng Sarangani at Gen. Santos City.

Ayon sa ulat ng GMA News, talagang nagtiyagang pumila ang mga tagaroon sa Pacman Beach Resort sa Tinoto, Sarangani para lang mabiyayaan ng senador.

“Masaya dahil kahit paano, nakakatulong tayo sa kanila, ‘yung mga mahirap na tao. Alam mo, talagang siksikan sila. Pumila sila para magkaroon ng panghanda. Pag binigyan ka ng blessings, hindi lang ‘yun para sa ‘yo kundi para mai-share mo sa ibang tao,” ani Pacman.

Samantala, binisita rin ni Pacquiao ang ipinagagawa niyang super yacht na may pangalang The Queen, meron itong 14 rooms at tatlon palapag.

Read more...