Paolo hinamong sumali na rin sa Bb. Pilipinas: Dapat magpa-opera ka na!


IWAS-PUSOY si Paolo Ballesteros na mag-ala Catriona Gray uli sa latest make up transformation niyang ipinost sa Instagram.

Sa halip, ang ginaya niyang look ay ang unang transgender na kandidata sa katatapos lang ma Miss Universe 2018, si Angela Ponce na manok ng Spain.

Binati naman ng Eat Bulaga Dabarkads ang pagkapanalo ni Catriona sa caption na inilagay niya sa kanyang IG photo.

“Congrats sister @catriona.gray! Thank you everyone for watching! #AngelaOnThe,” ani Paolo.
May napeke namang netizens ang TV host-comedian na inakalang si Angela ang naka-post sa IG account niya. Sey naman ng isang follower, “Pwede ka na sumali. Opera na lang kulang!”

Kung nagbunyi ang LGBTQ community sa pagbibigay ng importansiya kay Angela during the Miss Universe grand coronation day, naglundagan naman sa tuwa ang Eat Bulaga Dabarkads sa pagkapanalo ni Catriona dahil produkto rin siya ng Little Miss Philipines!

Read more...