TULAD ng reaksyon ng mga netizen sa 2018 Christmas Station ID ng GMA na umani ng milyun-milyong views online, tunay ngang naipadama ng Kapuso Network ang tunay na puso ng Pasko nitong nagdaang Linggo.
Tinutukan at pinusuan ng mga manojood ang Puso Ng Pasko: GMA Christmas Special na ipinalabas last Sunday night na waging-wagi sa ratings game.
Ayon sa mga komento ng mga netizens, mas inabangan at tinutukan ng mga manonood ang Christmas offering ng GMA dahil mas puno ito ng mensahe tungkol sa pagmamahal sa kapwa, pagtanggap at pagpapatawad.
Dagdag pa ng ilan, tagos sa puso ang bawat production number ng mga Kapuso stars dahil tagumpay nilang naipadama sa publiko ang tunay na diwa ng Kapaskuhan.
Sey pa ng mga viewers, mas naging makahulugan para sa viewers ang naging presentation ng Kapuso dahil sa mga nakaka-inspire at meaningful na istorya at performances na inihandog nito.
Tunay ngang nakapagbahagi ng kaligayahan at naipadama sa lahat ng Pilipino ang puso ng Pasko sa GMA Christmas special.
Ilan sa mga bigating Kapuso stars na nakisaya at nakibahagi sa GMA Christmas special ay sina Ai Ai delas Alas, Eugene Domingo, Michael V., Marian Rivera, Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Maine Mendoza at Alden Richards.
Nandu’n din sina Lovi Poe, Solenn Heussaff, Tom Rodriguez, Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Andrea Torres, Winwyn Marquez, Mark Herras, Rayver Cruz, Rodjun Cruz, Sef Cadayona, Ruru Madrid, Derrick Monasterio, pati na rin ang mga celebrity moms na sina Kylie Padilla, Katrina Halili, Yasmien Kurdi, Manilyn Reynes, The Clash finalists at marami pang iba.