KUMPIRMADO nang Kapuso ang dating Kapamilyang si Kiray Celis. Makakasama ang dating child star sa bagong Kapuso drama series na Luv U 2.
Ito’y pagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion na first time magsasama sa isang teleserye. Present si Kiray sa ginanap na story conference last weekend.
Ang huling proyekto ng komedyana sa ABS-CBN ay ang daytime series na Sana Dalawa Ang Puso.
Sa kanyang Instagram account, ibinalita ni Gabby na excited na siya sa bago niyang proyekto sa GMA, “For the 1st time on GMA PRIMETIME. A new Romantic Comedy Teleserye with @mercadojenny and the cast. Supported by the Network, a team of brilliant and intellectual writers, director, prod.staff and crew. Abangan sa 2019.”
Ka-join din dito sina Shaira Diaz at Sheena Halili.