TAUN-TAON ay parating nagse-share ang Star Magic artists ng kanilang blessings sa iba’t ibang charity institutions, lalo na kapag dumarating na ang Disyembre.
Ang mga institusyong napili ng Star Magic ngayong 2018 ay ang Good Samaritan Home for the Elderly sa Marikina, Craniofacial Foundation of the Philippines, Manila, Sta. Maria de Mattias sa Marikina at ang Bantay Bata Children’s Village sa Bulacan.
Walang mapagsidlan ng saya ang mga batang nasa Bantay Bata Children’s Village sa mga natanggap nilang regalo mula sa mga kilalang personalidad ng Kapamilya Network.
Hindi naman napigilan ng ilang celebrities na namahagi ng regalo sa Children’s Village na mapaluha at maging emosyonal dahil sa nasaksihang kaligayahan ng mga batang naroon, kabilang na sina Piolo Pascual, Edward Barber, Maymay Entrata, Eric Nicolas, Enzo Pineda, Luke Alford, John Bermundo, Sharlene San Pedro, Heaven Peralejo, Ysabel Ortega, Vivoree Esclito at marami pang iba.
Ang Good Samaritan Home for the Elderly naman ang binisita nina Maja Salvador, Gerald Anderson, Joseph Marco, RK Bagatsing, Jayson Gainza, Elmo Magalona, Jane Oineza, Sofia Andres, Maris Racal at Darren Espanto.
Ang mga bata ng Craniofacial Foundation of the Philippines ay pinasaya naman nina Zanjoe Marudo, Harvey Bautista, Krystal Mejes, Krystal Brimner, Inigo Pascual at Liza Soberano.
Naglaan din ng P80,000 cash ang mga nabanggit na personalidad sa bawa’t institusyon para sa iba pa nilang pangangailangan.
At siyempre hindi rin naman magiging tagumpay ang Star Magic Gives Back 2018 kung wala ang tulong ng mga sponsor ng bawa’t artista tulad ng Sunlife, Megan, LifeStrong, Head & Shoulders, P&G, Mediacom, Unilab, Enervon, Beautederm, Turks, KFC, Jollibee, Shakey’s at Greenwich.