Costume ni Liza bilang Darna babaguhin uli, script ire-revise

LIZA SOBERANO

BALAK ipabago ni Direk Jerrold Tarog ang na-develop na bagong costume ni Liza Soberano bilang Darna, bukod sa ilang revision sa script nito.

In an interview with the director, sinabi niyang wala pang major update sa bagong movie version ng “Darna”.

“Kasi kailangan ko ulitin ‘yung script na tinatrabaho nina Direk Erik Matti. So, nandoon ako sa stage ngayon na kailangan ko siya i-rewrite. Nagte-take off ako doon sa draft nila, so mula doon kailangan ko mag-research ng kaunti, so medyo may reset ng kaunti,” he explained.

And as for the costume, “May mga gagawin pa kami na additional for the costumes, mas praktikal. Basta kasi mayroong design na ginawa ‘yung previous team, e medyo iba ‘yung gusto kong direksyon.

“Kung ikukumpara lang sa dating costume, may iba lang akong gagawin,” he added.

Read more...