HAPPY si Sam Milby na makita ang tagumpay na na-achieve ng una niyang ka-loveteam na si Toni Gonzaga – sa showbiz career at sa personal na buhay nito.
Maraming fans ang natuwa nang malaman nilang muling magsasama sa pelikula sina Sam at Toni na unang nagtambal sa “You Are The One” ng Star Cinema. Balik-tambalan nga sila sa 2018 MMFF official entry na “Mary, Marry Me” kung saan makakasama rin nila si Alex Gonzaga.
Sa guesting ni Sam sa morning show na Magandang Buhay kahapon, ikinuwento niya kung paano nagsimula ang loveteam nila ng misis ni Direk Paul Soriano.
“Siya ang first loveteam ko sa showbiz, starting with ‘You Are The One.’ Ang daming throwbacks dito sa movie. And even when I was just starting talaga – it was PBB, I knew Toni, seeing her on TV as the host.
‘Yung first Pinoy movie na napanood ko was inside the Big Brother house. We watched ‘D’ Anothers,’ si Toni rin ang bida,” pagbabalik-tanaw ng aktor.
Sabi ni Sam, hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang “Mary Marry Me” dahil matagal na rin niyang gustong makatrabaho uli ang TV host-actress. At natutuwa siya dahil naging matagumpay ang lahat ng proyekto nito pati na rin sa personal na aspeto ng kanyag buhay.
“We’ve always had this amazing chemistry ever since then. And the last time na magkasama kami as a loveteam was nine years ago, ‘Ang Tanging Pamilya.’
“So to be working with her again, and to see where she’s in life and all the success she has, and even with the family and her as a mother, ang sarap,” sabi pa ni Sam.
Showing na sa Dis. 25 ang “Mary Marry Me” bilang bahagi ng MMFF 2018, sa direksyon ni RC delos Reyes.