Boobs ni Valerie agaw-eksena


“BEST Christmas gift ever” din kung ituring ng cast members at production staff ng Kapuso afternoon series na Ika-5 Utos ang patuloy na pagtaas ng kanilang rating.

Nag-post sa Instagram ang kinaiinisang kontrabida sa serye na si Valerie Concepcion ng ratings board recently kung saan talung-talo nito sa laban ang katapat na programa. Caption ng aktres, “Maraming, maraming salamat mga Kapuso! #Ika5Utos #GMAAfternoonPrime!”

Sunud-sunod ang naging reaksyon ng IG followers ni Valerie at karamihan sa mga ito ay puring-puri ang mga pasabog at nakakalokang eksena sa serye, lalo na ang mga bugbugan at sampalan scenes nina Valerie, Jean Garcia at Gelli de Belen.

Narito ang ilan sa mga comments ng netizens sa pagpapatuloy ng kuwento ng Ika-5 Utos.

Ayon kay @gracemarygandoza, “Ang lagi ko inaabangan si Valerie!”

Sey naman ni @lrgx22gawa, “Yes! Gawa kasi ng maalindog na boobs nya! Pataas ng pataas ang rating kapag umaalug-alog. Ha-hahaha!”

Komento ni @cynthiaortega30, “Wala naman kwenta yung katapat eh mas maganda po talaga ang ika 5 utos!”

Ani @himarko, “Great job Val, you deserve it working s hard and still being so kind!”

Read more...